News
Tuloy pa rin pala ang pagka-‘untouchable’ nitong Infinity 8 KTV and Restaurant sa Roxas Boulevard na pag-aari ni Rose Cuneta at ng isang tinaguriang MR-45 -- isang Malaysian-Chinese financier dahil tuloy-tuloy pa rin ang malalaswang panoorin at ‘prostitution activity’ at paglabag sa ’human trafficking law’ sa loob nito.
At ito ay matapos ngang kausapin ng mga nagpapatakbo ng Infinity 8 na sina Ruben at Ernie ang isang Nonoy ng Department of Interior and Local Government (DILG) at umano’y henchman ni DILG Sec. Jesse Robredo; isang Jigs at Allan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at isang Col. R. Velasco ng Southern Police District (SPD). Gayundin sina Ronel ng PNP- CIDG, isang Kenneth Miranda ng Pasay Police, isang Atty. Reyes ng DOJ-NBI.