Hinatulang makulong ng limang taon ang anim na lalaking Indian nationals na puwersahan umanong nagsadlak sa prostitusyon sa isang runaway Filipina housemaid sa Dubai.
Sinentensiyahan ng Dubai Criminal Court of First Instance ang anim na Indian nitong Marso 18 matapos akusahan na namilit sa isang 31-anyos na Filipina housemaid na magbenta ng panandaliang ligaya.
Umalis sa poder ng kanyang Emirati employer ang Pinay matapos umanong suwayin ang utos ng amo.
Inalok umano ng isa sa mga suspek ang Pinay na manuluyan sa kanya pero kailangan nitong magtrabaho bilang prostitute para kumita ng pera at mabawi ang kanyang pasaporte mula sa amo.
Sinasabing kikita ang Pinay ng 50 dirhams para sa kada lalaking seserbisyuhan nito.
Nasagip ang Pinay matapos ibenta sa isang police informant.