NAGLABAS na ng anunsyo sa publiko ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naglipanang pekeng DFA email account sa internet.
Ang email account na “This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.” ay natanggap ng isang Pinoy na nagsasaad na mayroon siyang warrant of arrest na sinasabing inilabas ng Department of Justice (DoJ).
Batay pa sa ulat ng Philippine Embassy sa Singapore, ang warrant of arrest na natanggap ng Pinoy ay kaugnay umano sa pakakasangkot umano nito sa isang krimen.
Dahil dito, binigyan linaw ng DFA na ang ang official e-mail account nila ay “dfa.gov.ph”.
Nilinaw din ng ahensya na kailanman ay hindi sila nagpapadala ng legal concerns sa e-mail dahil idinadaan pa ito sa legal na proseso.
Dahil dito, pinag-iingat ng ahensya ang publiko na maging maingat sa mga modus operandi ng mga sindikato at ireport agad ang mga kwestyunableng natatanggap na e-mail account.
Source:http://www.remate.ph/2012/03/publiko-inalarma-vs-fake-dfa-email-account/