News
KINANSELA na ng Philippine Overseas Employment Agency ang lisensya ng 21 recruitment agencies samantalang suspendido naman ang 14 pa, dahil sa samu’t saring mga kaso ng paglabag sa batas ng pangangalap ng mga OFW patungo sa ibayong dagat.
Sa panayam ng Bantay OCW kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac sa Radyo Inquirer 990 AM, idinagdag pa niyang nagsampa na ng kaso ang POEA laban sa Philglobal Manpower Development Corporation; CSM International Recruitment Services, Inc.; Gyron Crew, Inc.; Crosswind International Manpower Services at Acclaimed One Manpower and Recruitment Services.
Read more: Tiwaling May-ari Ng Mga Recruitment Agency Dapat Makulong!