News
WALA na ba talaga tayong aasahan sa mga awtoridad na kakanti sa mga ‘prostitution den’ ng mga Australiano, Koreano, British nationals at mga Amerikano diyan sa ‘red district’ ng Makati City, EDSA complex at HK Plaza sa Pasay City, partikular ang Amor KTV sa Roxas Blvd., dahil sa patong at kumukulekta ng ‘tongpats’ ang mga ito?
Ayon sa aking mga espiya, bingi at bulag ang mga ilang tiwaling opisyal at miyembro ng Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng National Bureau of Investigation, International Justice Mission (IJM), ang WACO ng Camp Crame, at ilang mga tauhan at opisyal ng Southern Police District at ang lokal na kapulisan na nakakasakop sa mga lugar na nabanggit.