Stop human trafficking banner

The 1343 Actionline is a 24/7 hotline facility that responds to emergency or crisis calls from victims of human trafficking and their families. It likewise provides a venue for the public to be engaged in the fight against trafficking in persons in line with the core message of the IACAT which is, Laban kontra Human Trafficking, Laban nating Lahat!

1343 online icon
1343 Mobile Report

if you want to 
report a suspected or identified
human trafficking activities.

global icon

Global Actionlines

24/7 Toll-Free International Actionlines
for Overseas Filipinos

1343 app 1343 Actionline App

Report in real-time suspected human trafficking activities with the option of attaching photographs and videos as evidence. The identities of the users will be treated with utmost confidentiality. They will also have access to information and news updates about human trafficking and directory of IACAT member agencies.

 

WALA na ba talaga tayong aasahan sa mga awtoridad na kakanti sa mga ‘prostitution den’ ng mga Australiano, Koreano, British nationals at mga Amerikano diyan sa ‘red district’ ng Makati City, EDSA complex at HK Plaza sa Pasay City, partikular ang Amor KTV sa Roxas Blvd., dahil sa patong at kumukulekta ng ‘tongpats’ ang mga ito?

Ayon sa  aking mga espiya, bingi at bulag ang mga ilang tiwaling opisyal at miyembro ng Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) ng National Bureau of Investigation, International Justice Mission (IJM), ang  WACO ng Camp Crame, at ilang mga tauhan at opisyal ng Southern Police District at ang lokal na kapulisan na nakakasakop sa mga lugar na nabanggit.

Ayon pa rin sa kanila, matindi ang proteksyong ibinibigay ng mga nasabing ahensiya sa Amor KTV sa HK Plaza at sa iba pang mga KTV bar sa kahabaan ng P. Burgos Street sa Makati City dahil sa laki ng ‘tongpats’ na ibinibigay ng mga may-ari ng mga naturang establisimiyento.

Isang Poo o Coo, may-ari ng Amor KTV ang naghahatag umano ng P500,000 intelihensya sa mga tiwaling tauhan at opisyal ng AHTRAD, IJM, WACO at SPD linggu-linggo para protektahan at hindi maistorbo ang ‘prostitution activity’ ng mga ito -- kasama na ang ‘pagbebenta’ nila ng mahigit sa 200 kababaihan na karamihan ay menor-de-edad.

Ang pangkalahatang kolektor ng mga tiwaling opisyal ng kapulisan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga bahay aliwan at pasugalan sa Pasay City, Quezon City at CAMANVA area ay isang V. Navarro na may mga sibilyang ‘tongpats’ kolektor na nakilala lang sa pangalang Norie Noriega, Rolly Domingo at isang Unyo.

Sa ATHRAD naman, ay isang Ogie ang ginagamit na kolektor ng mga ito sa mga bahay aliwan at sugalan sa Metro Manila.

May natitira pa namang unit sa Camp Crame na pwedeng pagkatiwalaan -- at may kakayahang maghasik ng lagim sa mga namamantine ng ‘illegal vices’ na ito sa Metro Manila -- ito ay ang unit ni S/Supt. Pete Cabantingan ng Anti-Organized Crime Division.

Ang balita ng aking mga espiya, ang mamang ito sampu ng kanyang mga tauhan ay kinatatakutan ng mga illegal vice operator ngayon dahil bukod tangi itong hindi tumatanggap ng suhol mula sa mga hinuhuli nilang mga establisimiyento.

Sana ay ‘’di magbago ang mabuting ginagawa ng mga opisiyal at tauhan ni Supt. Cabatingan at huwag sanang masilaw sa kinang ng salapi ng mga illegal vice operator.

At para sa mga tiwaling tauhan ng NBI-AHTRAD, IJM, WACO at SPD, isipin niyo na lang na sa ginagawa niyong pagsalakay at pag-imbento ng kaso laban sa mga KTV bar at night clubs na pag-aari ng mga Pilipinong negosyante, ay maraming bigbig ang inyong ginugutom.

Kasama na dito ang waitresses, buzz boys,  disc jockeys, model-dancers, magicians, sirkero, parking attendants ng mga taong umaasa sa kanila. 

* * *

Sino naman itong si Mr. Dimapilis na nagpakilalang tauhan ni Vice President Jejomar Binay sa kanyang Anti-Human Trafficking Task Force na nagwala umano sa lobby ng isang KTV bar sa Harrison, Pasay City matapos siyang hindi mapagsilbihang mabuti ng mga waitress at floor managers doon.

Nagbanta po itong si Dimapilis na ire-raid niya ang lugar, ang Campus Entertainment and KTV, nang maatraso ang pagsasauli sa kanyang credit card na kanyang ginamit na pambayad sa kanyang bill.

Ang Campus Entertainment and KTV ay hindi po nagpapalabas ng malaswa at walang ilegal na palabas at hindi nage-empleyo ng mga menor de edad kundi mga ramp model, circus acts at mga ‘variety dancers’ tulad ng napapanood sa telebis-yon.

Ano ang idadahilan ni Dimapilis para i-raid ang isang establisimiyento na nagpapalabas ng disente at walang ’di kanais-nais na palabas? Aba, kung ipapa-raid mo ito ay maraming empleyado nito ang magugutom! Alam mo naman na ang mga raiding team ngayon ay gumagawa ng scenario para lang makapag delehensiya.

Marami na akong nababalitaan na ang pangalan ng Bise Presidente Binay ay ginagamit ng mga ‘unscrupulous persons’ na ang layunin ay delehensiyahan ang mga may-ari ng mga establisimiyento at sirain ang magandang pangalan ng pangalawang pangulo.

* * *

Diyan pala sa Sto. Cristo, Tabaco, Albay sa Bicol Region ay madami din ang supplier ng shabu na nagpapakalat ng nasabing droga sa mga karatig na bayan tulad ng Daraga, Oas, Polangui at iba pang bayan at siyudad sa lalawigan ng Albay.

Pulis din umano ang protektor ng mga drug lord sa lugar kung kaya’t sa halip na mahuli at malipol ang mga ito ay lalo pang dumarami ang mga drug lord dun.

Gumon na rin sa droga ang maraming kabataan sa nasabing lugar, kaya marahil ay dapat nang kumilos ang iba pang awtoridad para mahinto ang paglaganap ng droga sa nasabing lalawigan.

Sa mga nagnanais magbahagi ng kanilang nalalaman tungkol sa mga ilegal na gawain ng mga nanunungkulan sa pamahalaan, lokal man o nasyonal o mga pribadong indibiduwal, mangyaring makipag-ugnayan sa akin sa cellphone numbers 0917-999-3555 at 0999-508-0777 at e-mail address na This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.">This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para makatulong tayong ibunyag ang mga maling gawain ng mga taong ito. MARAMING SALAMAT PONG MULI!!!

Source:http://www.journal.com.ph/index.php/opinion/30348-nasuhulan-na-nga-ba-nbi-ijm-waco-at-spd

Trafficking in Persons Report

2016 Report Cover 200 1

Report Human Trafficking!
Call 1343
Call (02)1343 if outside Metro Manila

Email: 1343actionline@cfo.gov.ph
Facebook: fb.com/1343Actionline
Website: 1343actionline.ph

Or download the 1343 Mobile for FREE

app store   google play

 

 

IACATlaban logo

In partnership with:

dos1 CFO New Logo BAGONG PILIPIINAS LOGO