CAMP HEN. PACIANO RIZAL -- Laglag ang kilabot na illegal recruiter sa entrapment operation ng mga tauhan ng Laguna Special Group (LSTG) kasama ang Provincial Intelligence Division, Pasay PNP kamakalawa ng umaga sa Lungsod ng Pasay.
Ayon sa ulat ni Laguna provincial director S/Supt. Gilbert DC Cruz kay Calabarzon director chief Supt. James Andres Melad, nakatangap sila ng reklamo mula sa mga biktma na umano’y isang nagpakilalang babae na nagpapaalis ng mga gustong magpunta sa ibang bansa.
Dahil dito, inatasan ni PD Cruz si LSTG Chief Insp. Vicente Cabatingan na magsagawa ng isang entrapment operation sa isang Mang Inasal food chain sa Pasay dakong alas-11:30 ng umaga.
Naaresto nila si Mae Torres y Coronel, 40, dalaga, may-ari ng Maeven Budget Travel and Tours na may address sa Rm. 540, Royale Mansion, Balagtas St., Pasay City.
Agad humarap ang apat na biktima na sina Ivy Gonzales ng Batangas, Hacel Nocedo, Zaldy Hacutina at Eric Elauria, mga pawang residente ng Lungsod ng Calamba, at 19 na iba pa.
Source:http://www.journal.com.ph/index.php/news/provincial/30270-recruiter-laglag-sa-laguna-stg