ZAMBOANGA CITY - May 50 menor-de-edad na kababaihan na biktima ng human trafficking ang na-rescue ng mga awtoridad kamakalawa sa lungsod na ito.
Napag-alaman na ilan sa mga anak ng mga biktima ang nagreklamo laban sa ilegall recruiter na nangungumbinse sa mga kabataang babae na magtrabaho sa ibang bansa.
Dahil dito, agad kumilos ang pinagsanib na puwersa ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Presidential Task Force Against Illegal Recruitment (PTFAIR) at National Youth Commission (NYC). Kaya na-rescue ang mga biktima.
Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang hindi muna pinangalanang suspek.
Source: 50 Menor-De-Edad, Na-Rescue Bulgar, p.7