Nagbabala ang pulisya sa Zamboanga City ukol sa umano’y pangako na trabaho sa ibang lugar matapos na mapigil ng mga awtoridad ang pagpupuslit ng halos 50 katao patungong Maynila.
Nabawi ng pulisya ang mga biktima sa Medio Hotel na umano’y galing pa ng Basilan province at pinangakuan ng iba’t ibang trabaho ang kanilang recruiter na nakilalang si Kaiser Sali, 25.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad kamakalawa ukol sa malaking grupo ng mga hinihinalang biktima ng human trafficking sa naturang hotel sa Zamboanga kaya’t agad itong nirespondehan at napigil ang kanilang pag-alis patungong Maynila.
Pinangakuan umano ang mga biktima ng trabaho bilang mga health workers, guro at empleyado sa senado at scholarship grants pa mula sa National Youth Commission.
Kakasuhan si Sali ng paglabag sa batas ukol sa human trafficking.
Source: http://www.abante-tonite.com/issue/may2112/news_story12.htm