Isa pang batch ng mga Filipino repatriate mula sa Syria ang dumating sa bansa kahapon, Abril 12.
Ang bagong batch ay binubuo ng 24 kababaihang overseas Filipino workers (OFWs).
Bunsod nito umaabot na sa kabuuang 1,267 ang bilang ng Filipino repatriates na dumating sa Pilipinas.
Nitong Abril 11, Miyerkules, ay 22 kababaihang OFWs ang naunang umuwi sa bansa.
“The repatriates, most of whom are from Damascus, sought refuge at the Embassy’s halfway house while Embassy officials negotiated with their employers and Syrian authorities for the issuance of exit visas.
“The plane tickets of the latest batch of repatriates were paid for by the International Organization for Migration,” pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Itinaas ng PH government ang alert level 4 o ang pagpapatupad ng mandatory evacuation sa lahat ng Filipino sa Syria matapos sumiklab ang karahasan sa lugar nang magsagupa ang government at opposition forces.