Tatlong menor de edad ang nasagip ng awtoridad mula sa umano'y prostitution den sa Los Baños, Laguna.
Hawak ng pulisya ang surveillance video, na nagsilbing patunay sa nangyayaring pangangalakal ng laman sa isang bahay sa Barangay Batong Malaki.
Malapit ito sa University of the Philippines Los Baños (UPLB), kung saan naganap ang karumal-dumal na pagpatay sa Agriculture student na si Rey Bernard Peñaranda.
Arestado ang may-ari ng bahay na si Efren Magda, pamangkin niyang si Erwin Magda at umanoy bugaw na si Jeffrey Datu.
Isa sa tatlong na-rescue si "Kris," 15-anyos, na magda-dalawang taon nang hawak ng sindikato.
Naglayas si "Kris" at sising-sisi sa resulta ng pagre-rebelde sa magulang.
Naglayas din ang 15-anyos na si "Angel" at ang 17-anyos na si "Yan-Yan" bago bumagsak sa kamay ng mga sindikato.
Ayon sa mga pulis, sa mga dayuhan ang kalimitang inilalako ang mga biktima.
Idadaan muna sa drug test ang mga nailigtas na menor de edad bago tuluyang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa counseling. Report from Francis Faulve, ABS-CBN News
Source: http://dzmm.abs-abnnews.com/news/Region/3_menor_de_edad,_nailigtas_mula_sa_prostitution_den_sa_Laguna.html