Humingi ng suporta sa gobyerno ng Pilipinas ang isang Filipino women’s rights group para matuldukan ang pang-aabuso at pangmamaltrato sa mga kababaihang kababayan na nagtatrabaho sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon kay Melca Perez, chairperson ng Gabriela-UAE, ang mga Pinay na kumakayod bilang domestic helper ang kadalasang nalalagay sa kaawa-awang sitwasyon at naaabuso. Salat pa umano ang natatanggap na tulong ng mga ito mula sa mga opisyal ng Philippine post.
Sa loob lamang umano ng nakalipas na tatlong buwan ay umaabot sa mahigit 30 kaso ng pang-aabuso sa mga Pinay DH ang hinawakan ng Gabriela-UAE.
Nasa two thirds umano ng nasabing bilang a
kinabibilangan ng mga domestic worker na nagrereklamo dahil hindi pinasusuweldo, sobra-sobra sa oras kung pagtrabahuhin, at nakakaranas ng pisikal at verbal na pang-aabuso.
Ayon naman kay Philippine Labor Attaché to Dubai Amilbahar Amilasan, ginagawa naman ng kanilang tanggapan ang lahat ng makakaya para matulungan ang mga kinakawawang Pinay.
Source:http://www.abante-tonite.com/issue/mar1212/news_story07.htm