Hindi dapat balewalain ni Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa ang mga naglalabasang ulat na siya ang may-ari ng Baia Luna KTV Bar sa Timog, Quezon City.
Ipinagmamalaki raw kasi ng isang manager nito na si Bong, alyas Puta Bongbong, si ES Ochoa raw ang tunay na may-ari ng kanilang club.
Kaya nga kahit karamihan sa kanilang mga guest relations officer (GRO) ay mga menor de edad at walang kaukulang ‘working permit’ ay okay lang. Kasi nga, bagyo ang kanilang boss at walang maaaring mang-raid sa kanila.
Actually, hindi lamang sa mga menor de edad at naggagandahang babae kaya dinudumog ang Baia Luna KTV bar. Kasi, lahat halos daw ng mga babae rito ay puwede mong kunin sa panandaliang aliw.
Ang catch pa, sa mismong Sir Williams Hotel sila puwedeng i-check inn, saka nila makakaligo ng sabay ang makukursunadahang babae at magpaparaos sa halagang P4,000 hanggang P8,000 depende sa kalidad ng babae at kukuning kuwarto sa Sir Williams.
Ang Baia Luna ay nasa ground floor lamang ng Sir Williams Hotel kaya kapag nagkasundo na sa presyo sina Bong at kanyang mga parokyano, papaunahing mag-check in si customer, saka susunod sa kuwarto ang mapipiling chikababes.
Para sa akin, dapat personal na atasan ni Ochona si Chief Supt. Mario dela Vega, ang bagong director ng Central Police District (CPD). Kasi, hindi magandang pakinggan para sa ‘tuwid na daan ng administration’ ni P-Noy na ang pangalan ng isang ‘little president’ ay mapagbibintangang may-ari ng isang KTV bar na sinasabing front ng prostitusyon.
Isang alyas Kapon o Chapon na umano’y supply officer sa Quezon City Hall at CPD ang umano’y ‘front’ o dummy ng Baia Luna KTV bar kaya hindi malayong pagtagpi-tagpiin na maibintang ito kay ES Ochoa dahil alam naman natin na naging administrator ng QC Hall si Topakits.
Isa pa, alam ng lahat na bawal ang ‘short time’ sa Quezon City. Eh bakit sa hotel ni Mr. William Genato, pinapayagan?
Iba ba talaga ang lakas ng Baia Luna KTV bar?
Sana, mapakilos ni Ochoa ang tutulug-tulog na si Gen. dela Vega para maberipika kung gaano katotoo ang bintang sa kanya, gayundin ang umano’y iligal na operasyon ng Baia Luna.
Source:http://www.journal.com.ph/index.php/opinion/25792-es-ochoa-may-ari-ng-ktv-bar-sa-qc