Kinasuhan ang mag-asawang employer sa Singapore nitong Marso 7 bunsod sa umano’y pananakit ng mga ito sa kanilang kasambahay na Filipina.
Inaakusahan ang babaeng employer na si Jayaceilia K. Varso, 35-anyos, ng pananabunot sa biktimang si Lilia Nieva Duculan.
Bukod dito kinaladkad din umano ang Pinay sa kitchen toilet noong Marso 4.
Kasunod nito, sinakal at pinilipit umano ang leeg ng Pinay habang kinakaladkad.
Katulong umano sa pananakit ng babaeng amo ang kanyang mister na si Ram Gerthi Dadhi Bal Yaday, 41-anyos, na nagtatrabaho sa insurance industry.
source:http://www.abante.com.ph/issue/mar1012/abroad01.htm