Dumarami umano ang bilang ng undocumented overseas Filipino workers (OFWs) sa China, ayon sa Filipino migrants’ rights group na Migrante-Middle East (M-ME).
Inihayag ni M-ME regional coordinator John Leonard Monterona na simula pa noong 4th quarter ng nakalipas na taon hanggang ngayon ay nakakatanggap ang kanilang grupo ng hirit na tulong mula sa mga undocumented OFWs sa China sa gitna ng ginagawang crackdown ng Chinese authorities sa mga overstayers at undocumented workers.
Sa monitoring ng M-ME ay umaabot sa 100 undocumented OFWs ang nasa Beijing, China at patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga ito.
“We found out that some of the undocumented have overstayed after their work visa expired, some ran away from their employer and there are those who came to China for work without passing the formal channel or going through a recruitment agency duly accredited by the POEA,” paliwanag ni Monterona.
Sinabi pa ni Monterona na talamak ang human trafficking at illegal recruitment ng mga Pinoy sa China dahil nalulusutan sa pagbabantay ang PHL government authorities.
Source: http://abante-tonite.com/issue/feb1812/news_story06.htm