Stop human trafficking banner

The 1343 Actionline is a 24/7 hotline facility that responds to emergency or crisis calls from victims of human trafficking and their families. It likewise provides a venue for the public to be engaged in the fight against trafficking in persons in line with the core message of the IACAT which is, Laban kontra Human Trafficking, Laban nating Lahat!

1343 online icon
1343 Mobile Report

if you want to 
report a suspected or identified
human trafficking activities.

global icon

Global Actionlines

24/7 Toll-Free International Actionlines
for Overseas Filipinos

1343 app 1343 Actionline App

Report in real-time suspected human trafficking activities with the option of attaching photographs and videos as evidence. The identities of the users will be treated with utmost confidentiality. They will also have access to information and news updates about human trafficking and directory of IACAT member agencies.

 

Pinagdududahan nan g kanyang mga kababayan si Mayor Amy Navarro ng siyudad ng Santiago sa Isabela dahil nananatiling bukas at namamayagpag ang mga bahay-aliwan na matatagpuan malapit sa bahay mismo ng alkalde sa kabila ng mga pag-batikos sa mga ito dahil sa pagkakaroon ng prostitusyon.

Ang mga tinutukoy na bahay-aliwan ay and DA BEAU disco pub na pag-aari ng isang alyas Oca Jr., JAC’s, NEONLIGHTS, ANGELINE at GATEWAY disco pub na pag-aari nina Jess R, Cris M, Allan B at alyas kalbo na nagmamalaking tauhan ni Mayor Navarro.

Ayon sa isang konsehal ng Santiago City, marami na ang nagrereklamo laban sa mga nasabing bahay-aliwan dahil lalo umanong nagiging talamak ang operasyon ng prostitusyon doon ngunit kapansin-pansin ang kawalan ng aksyon ni Mayor Navarro.

Maging ang tanggapan nina Region 2, PNP Regional Director P/Supt. Rodrigo De Gracia, P/SSupt. Alexander Rafael, R2, PNP Provincial Director P/SSupt. Francis Mabanag at Santiago City Director P/SSupt. Sevirino Abad ay kinalampag na rin ng mga konsernadong residente ngunit wala ring aksyon ang mga ito kaya nais na nilang idulog ang problema sa tanggapan ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome.

Base sa paglalarawan ng isa sa mga nagrereklamong grupo, nakapangingilabot na ang mga kabataang babae sa lungsod ay nabubulid sa pagbibilad at pagbebenta ng kanilang murang katawan kapalit ng maliit ng halaga.  Isinasangkalan umano ang kahirapan ng buhay kaya nakukumbinsi ng mga may-ari ng nasabing mga bahay-aliwan ang mga kabataan na magtrabaho sa kanila. Ang pangamba naman ng mga lider ng ilang religious groups sa lungsod ay posibleng kumalat ang mga nakakahawang sakit sa lungsod dahil sa talamak na bentahan ng aliw sa mga bahay-aliwan.

Nagpapahayag ng kalungkutan ang mga ito dahil sa kabila na babae ang kanilang alkalde ay hinahayaan nitong maging “kalakal” ang kanyang mga kabaro sa mga bahay-aliwan na nakahilera mismo patungo sa kanyang tirahan.

Source: Remate, February 9, 2012 p.3

Trafficking in Persons Report

2016 Report Cover 200 1

Report Human Trafficking!
Call 1343
Call (02)1343 if outside Metro Manila

Email: 1343actionline@cfo.gov.ph
Facebook: fb.com/1343Actionline
Website: 1343actionline.ph

Or download the 1343 Mobile for FREE

app store   google play

 

 

IACATlaban logo

In partnership with:

dos1 CFO New Logo BAGONG PILIPIINAS LOGO